"Puwede bang tanggalin mo ang posas sa mga paa ko. Kahit 'yon lang. Nahihirapan ako sa posisyon ko," bulong ko sa nanghihinang boses. Naka-upo ako sa sahig pero naka side view naman ang mga paa ko kaya nakakangalay. On the other hand, may iba pa akong pinaplano kaya gusto kong maalis iyon. "If I will remove it, tatakbo ka, Sakura." Malapit sa katotohanan ang hula n'ya. "Ibalik mo na lang kapag aalis ka na," I whispered in a hoarse voice. "Susundin ko ang gusto mo pero, dapat mong kainin ang lahat ng 'to." Sabay tinuro ang pagkain sa plato. Saglit akong napa-titig doon sabay tinitigan s'ya diretso sa kan'yang mga mata. "Baka may nilagay kang drug d'yan. Kainin mo muna bago isubo sa bunganga ko," I said in a commanding tone. He chuckled. "You are wise as ever, Sakura. You are right. Ma

