“I am sorry.” Iyan kaagad ang unang lumabas sa aking bibig. I have to calm down. Mukhang may idea na s’ya kung ano ang ginawa ko. Kinakailangan kong magpaliwag sa kan’ya. Kahit natatakot ako sa facial expression n’ya ngayon, tinitigan ko pa rin s’ya sa mga mata. Damn, my hands are shaking. Hindi naman ako kinakabahan ng todo pero inuunahan na kaagad ako ng katawan ko. Dahan-dahan kong kinuyom ang aking mga kamao. Naka-baba at naka-relax lang ang mga iyon sa makabilang gilid ng katawan ko. He was still standing while facing me. He was surrounded by a negative aura again. “You are apologizing. It means, may kasalanan ka sa akin,” seryosong usal n’ya. Unti-unti kong tinango ang ulo ko. Saan ba ako maguumpisa nito. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sasabihin. Huminga ako ng malali

