SAKURANA FEW HOURS AGO Ang sabi ni Tito Gideo, give me a minute raw pero ang isang minuto, naging isang oras na. Ang inakala ko, tinakasan n’ya na ang topic namin kanina but I was wrong. Nalaman kong nagkavirtual meeting pala si Tito kaya hindi n’ya kami nabalikan kaagad sa dining room. I felt relieved though. At least, paguusapan pa rin namin ni Tito ang tungkol sa bagay na ‘yon. After an hour, tinawag na ako ng butler namin dahil puwede na akong pumunta sa kuwarto ni Tito. Umakyat ako patungong fourth floor. Dire-diretso lang ang lakad ako hanggang sa pinasok ko na ang kan’yang silid. Nakita ko agad ang presens’ya ni Tito. Naka-upo s’ya sa mahabang sofa. Naka-puwesto iyon sa kaliwang side ng malawak n’yang kuwarto. I took my seat. Umupo ako sa kaharap n’yang sofa habang pumapagitna

