KAPAG may ganoong utos si Tito Gideo, which means he has something important to say. I am sure, about ‘to sa kaguluhan kagabi. Lumabas kaagad si Sir Ross. “Hihintayin ka namin sa hideout mamayang gabi, Boss Darius.” Tumayo ako sa pagkakaupo sa Cleopatra sofa. “I will bring some finest wine.” Yumuko ako sa kan’yang harapan. “I will take my leave now, Boss.” Sumangayon s’ya sa ‘kin. Humakbang na ako paalis sa puwesto kong iyon. Tinungo ko ang kinaroroonan ng naka-bukas na sliding door pero nakakatatlong hakbang pa lamang ako, dahan-dahan kong nilingon ang impostor. Napansin n’ya sigurong huminto ako. Nagkasalubong ang tingin namin. Mabilis kong inangat ang kaliwa kong kamay. I made a peace sign using my middle and pointing finger. Nilapit ko pa ang mga iyon sa dalawa kong mga mata bago ko

