SAKURANA “Hindi pa ba gising si Darius?” ‘Yan ang tanong ko kay Miss Anghelisha. Naka-salubong ko kasi s’ya sa entrance ng black mansion. Papalabas s’ya habang papasok naman ako. Base sa suot n’yang makintab na red revealing dress, mukhang may pupuntahan yata s’ya. Lalo na’t may naka-buntot sa kan’ya na mga soldier. Hindi ko mabilang. “He hasn’t woken up yet, Sakura. Gisingin mo nga ‘yon dahil mag-a-alas tres na. Hindi pa s’ya nakakain ng breakfast and he even skipped his lunch,” tugon n’ya sa ‘kin. Kaharap ko s'ya ngayon. “Bumabawi talaga s’ya ng tulog,” mahinang bulong ko. Sapat na iyon para marinig n’ya. “Well, you are right. Muntikan na’ng mabaliw si Darius noong kinuha ka ng kalaban tapos ex mo pa pala. Hindi ko alam na nagiging si Papa si Darius kapag galit,” natatawang usal n’

