“Babalik na ba tayo sa black mansion?” ‘Yan ang tanong ko sa kanila. “Yeah. Uuwi ulit tayo pagkatapos ng research. I will get my flash drive first dahil doon i-c-copy ang lahat ng makikita namin,” tugon sa ‘kin ni Shark. Mabilis naman akong sumangayon. Nilapag na nila pabalik sa center table ang mga printed oil papers. Isa-isa kong binalik ‘yon sa loob ng black folder. Itinago muna sa ilalim ng mesa. Inantay pa namin si Shark. After a few minutes, inaya n’ya na kaming lumabas sa hideout at bumiyahe na kami pabalik ng black mansion. Sinabihan ko rin si Shark na huwag s’yang mag-madali dahil mahaba pa naman ang oras. Ang importante, nag-tagumpay kami sa una naming misyon. Tutulungan s’ya ni Finn na mag-manipula ng computers doon. Si Lucian naman ang naging look out nila sa loob ng con

