TUMIGIL sila sa aking harapan at tinitigan ng maigi ang buong mukha ko. “f**k, anong nangyari sa iyo? Bakit parang binugbog ka ng tatlong tao?” seryosong tanong sa ‘kin ni Lucian. “Actually, apat sila.” They flinched. Nag-salpukan ang kanilang mga kilay na’ng marinig ang tugon ko. “Aba’t mga putang ina? SINO ANG MGA ‘YON?! TELL US AND WE WILL KICK THEIR ASSES!” Bumabalingaso sa inis si Shark. “Ang babagsik ng kanilang mga bayag para bugbugin ka?! What happened?! You don’t look good! You had a bruise on your f*****g cheeks and your lip wants to explode!” Mukha ko pa lang ang nakita nila. How much more kung sa ibang parte ng katawan ko na. “Tell me the names. Wala silang karapatan para gawin ‘to sa grupo ko. Not in my group,” seryosong usal ni Finn. Huminga ako ng malalim. “Kumalma

