My eyes widened. "W-What?" "I did that para ma-trigger ang iyong tiyuhin na hindi matuloy ang engagement na ninanais ni Darius because I know, your uncle cares about your safety. Maniwala ka man o sa hindi, wala akong balak na ituloy ang bomb threat. Ginawa ko lamang iyon para lalo kang higpitan ni Mister Verno and I apologized for that. I made such a big fuss in Demorgon's Village." Napa-hawak na lang ako sa noo ko. Nagkamali na naman ako. Si Loki pa rin ang pinagbibintangan ako tungkol sa bomb threat na 'yon. "K-Kahit na, Sir. Para sa 'kin, mabait pa rin kayo dahil hindi kayo humantong sa kabaliwan ni Loki. Kaya nakikiusap ako, huwag n'yo sana akong i-disappoint dahil ngayon pa lang, humahanga na ako sa inyo." Pangungumbinsi pa rin 'to para hindi matuloy ang kung ano mang balak n'

