Kabanata 43: Nagsisi si Johnson na dinadala niya ang alak sa kanyang tiyan at itinigil niya rin ang pag-inom nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Ulysses. Bagsak na tuloy iyong dalawa pero siya, nakaupo pa sa kama at tulala habang tila umiikot ang sahig kung saan naroon ang dalawang nakainuman niya. Hindi niya alam kung good advantage ba na malaman niya iyon kaagad ko o bad dahil tila sinasaksak ng ilang milyong kutsilyo ang puso niya. Kaya heto, nag-da-drama na naman ang may pusong sawi. Ito na ang pangalawang beses na nasaktan ang puso niya. Bakit palagi na lang siyang nauunahan? Hindi ba siya pwedeng maging first? O kahit manlang, sana manlang, ma-in love siya roon sa babaeng walang sabit. Nakakaloka itong buhay pag-ibig niya, hindi yata talaga magtatagumpay. Meant to be ba na