Kabanata 28:

1862 Words
Kabanata 28: Tulala si Johnson habang naghihintay naman ang tatlo sa kanya. Kanina pa sila narito sa battle arena pero wala pa ring ibinibigay na sagot si Johnson. Dahil hindi naman niya alam kung aling parte ng kanyang katawan ang may pinakamalakas. Hindi niya rin kasi maintindihan kung ano ang nais ipahiwatig nitong si Archer. “Ano ba kasing parte ng katawan?” sagot niya matapos ang mahaba-habang pagkakatulala. Nasapo nilang tatlo ang kanilang mga noo. Hindi sila makapaniwala na naghintay sila nang matagal tapos ay ito lang ang isasagot sa kanila. Tumayo si Archer matapos maupo nang matagal sa isang putol na parte ng kahoy. “Hindi bale, tayo na lang ang umalam!” tila hindi na makapaghintay na bulalas nito. Tumayo na rin si Brenda at sumang-ayon kay Archer dahil mukhang magsasayang lang sila ng oras kung hihintayin lang nila si Johnson na sabihin kung aling parte niya ang pinakamalakas at pinakamahina. Ngunit, ano nga ba ang ibig sabihin ni Archer sa sinabi niyang iyon. “Halikayo, mag-uumpisa na tayo.” Tumalikod na si Archer saka nag-umpisang maglakad. Tumayo naman si Johnson saka sumunod sa kanila dahil mukhang wala silang balak na hintayin siya kahit siya naman ang kailangan turuan. Dire-diretso silang naglakad hanggang sa tumapat sila sa isang malaking bato. Napanganga siya nang may hawakan si Archer, pinihit saka bumukas ang isang pinto. Hindi makapaniwala si Johnson nang bumungad ang isang puting kwarto. Hindi siya makapaniwala na may ganitong klaseng kwarto sa isang palapag na mukhang gubat. “Papasok ka ba o hindi?” masungit na tanong ni Archer. Naitikom niya ang kanyang bibig na halos tumulo na ang laway. “P-papasok.” Pumasok na siya habang namamangha pa ring inililibot ang mga mata sa loob ng kwartong iyon. Malawak din ang kwarto, puro kulay puti lang talaga ito at may mga upuan lang din na kulay puti sa magkabilang gilid. Sa sobrang puti ng paligid, nakakasilaw na. “Dito natin sisimulan ang pagsasanay mo,” ani Archer. Naupo na si Brenda at Ulysses sa magkabilang gilid ng silid. Mukhang manunuod lang silang dalawa. “Sisimulan na natin?” tanong niya. “Bakit? Kailan mo pa ba gusto?” Kanina pa siya napapahiya rito kay Archer pero dahil sadyang mapagpasensya siya’y pinagpasensyahan niya na lang. Baka natural lang talaga ito bilang isang magaling na sundalo. Hindi na lamang siya sumagot para wala nang away. Habang naghihintay, nagulat na lamang siya nang bigla siyang sapakin ni Archer sa kaliwang pisngi. Mabilis na dumaloy ang sakit doon at napahawak siya sa parte ng sinapak. “H-hoy! A-anong–” Hindi niya pa naitutuloy ang sasabihin niya ay muli siyang sinuntok nito, mabuti na lang at nakailag siya. “Hoy!” Tuloy-tuloy siyang pinatamaan ng suntok ni Archer kahit na hindi niya malaman ang dahilan. Ilag siya nang ilag, mabuti na lang at hindi siya nito natatamaan. Ngunit sa kaiiwas niya sa kamao nito, sa paa naman siya hindi nakaiwas. Tinisod siya nito na naging dahilan ng pagbulusok niya at nadapa. Kasunod no’n ay umibabaw sa kanya si Archer at hinawakan ang kanyang mga kamay. “Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka gumaganti?” kunot ang noong tanong ni Archer. “Ahh! Bitiwan mo ako!” reklamo ni Johnson. Nilingon ni Archer sila Brenda at Ulysses. “Bitiwan mo ako! Hoy!” Nagpumiglas si Johnson pero hindi pa rin siya binitiwan ni Archer. “Mukhang alam na natin kung ano ang pinakamahina sa kanya,” ani Brenda. “Huh?” takang tanong ni Johnson. Doon ay binitiwan ni Archer si Johnson. Mukhang nakuha na nito ang sagot sa sarili niyang tanong. “Ano ba ‘yon? Bakit mo ako pinagsusuntok? Siraulo ka ba?” Hawak pa rin ang kabilang pisngi, tumayo si Johnson. “Bakit hindi ka gumaganti?” seryoso at may halong galit na tanong ni Archer. Nagkibit-balikat si Johnson. “Ewan, bakit ako gaganti? Baka mamaya kung ano pang mangyari sa ‘yo.” Pare-pareho silang napasinghap sa isinagot ni Johnson. “Paano kung kalaban ang nanakit sa ‘yo? Hindi ka gaganti?” dismayadong tanong ni Archer. Napakamot si Johnson sa tanong na iyon. Sino ba naman tanga ang hindi gaganti kung kalaban ang mananakit sa ‘yo. “Ang hina mo rin ‘no? S’yempre gaganti ako kapag kalaban.” Bumuntonghininga si Archer. “Ganito, isipin mong kalaban mo ako.” Muli siyang itinulak ni Archer, sasapakin na niya sana si Johnson ngunit mabilis siyang humataw ng suntok. Nabigla si Archer sa malakas na pagsuntok ni Johnson sa kanyang balikat. Mabilis siyang napaupo sa sahig dahil na-out of balance siya. “Sabi ko sa ‘yo e, hindi ako pwedeng gumanti. . .” Mukhang napahiya naman si Archer kaya dali-dali siyang tumayo at muling sumugod kay Johnson, this time ay nakatama siya sa pisngi ni Johnson. Agad na naglasang kalawang ang bibig ni Johnson, pinunasan niya naman iyon. “Gantihan mo ako. Gusto kong isipin mong kalaban mo ako, Johnson.” “Ayy, ang kulit,” reklamo ni Johnson. “Sige, huwag kang magsisisi, ha?” Ngayon ay napangisi si Archer, hinihintay talaga niyang pumalag si Johnson sa kanyang hamon upang malaman niya kung gaano kalakas ang itinatago ni Johnson. Kaagad na sumugod siya kay Johnson at nagpakawala ng upper cut ngunit hindi iyon tumama nang tumalon palayo si Johnson. Sunod-sunod niya itong pinakawalan ng suntok ngunit panay ang iwas nito, palayo, patalon at nang susuntukin niya sana si Johnson sa mukha, naunahan siya nito. Isang malakas na sipa ang pinakawalan ni Johnson na tumama sa kanyang tiyan. Natumba siya sa lakas ng pagkakasipa ni Johnson. Agad na sumugod ito sa kanya, susuntukin sana ngunit naagapan niya iyon nang tisurin niya ito. Ngayon ay umibabaw siya kay Johnson upang sapakin siya sa mukha ngunit binulaga siya ni Johnson, inuntog nito ang kanyang ulo sa kanyang ulo. Nahilo si Archer, kasunod no’n ang malakas na suntog ni Johnson sa kanyang kanang pisngi na naging dahilan para matumba siya at mawalan ng malay. “Hala! Archer!” bulalas ni Brenda. Napatayo ito sa kanyang kinauupuan saka tumakbo palapit sa kanila. Bumangon naman kaagad si Johnson saka dinaluhan si Archer na ngayon ay walang malay. “Tsk! Sabi ko na nga ba e!” halatang nagsisising ani Johnson. Kaagad na tiningnan ni Brenda ang pulso ni Archer kung mayroon pa ba, sa kabutihang palad, buhay pa naman. Nag-angat ng tingin si Brenda kay Johnson. “Paano mo nagawa ‘yon?” Nagkibit-balikat siya. “Bata pa lang ako, malakas na akong sumuntok e. Isang beses muntik nang mag-50/50 iyong kalaro ko na sinuntok ko sa mukha. Kaya tinuruan ko ang sarili ko na pigilang manuntok hangga’t kaya ko.” Napanganga na si Brenda, maging si Ulysses na nasa tabi nito. “Tulungan mo na lang kaming dalhin si Archer sa manggagamot,” tanging nasabi ni Brenda. Dali-dali namang tumango si Johnson saka tinulungan silang buhatin si Archer na six footer. Tatlo na silang nagbuhat. Kahit anong klaseng yugyog kasi ang kanilang gawin, hindi talaga ito magising kahit na humihinga pa naman. Kinakabahan tuloy si Johnson, kasi baka mamaya mag-50/50 din itong si Archer! Mapilit kasi e, ang tigas ng ulo! Nang makarating sila sa silid ng manggagamot, isang nurse na babae ang naroon. Nakasuot siya ng kulay puting damit na may burdang kulay gold, at sumbrero na gaya rin talaga ng sa nurse sa mundo ng mga tao. “Anong nangyari kay Archer?” takang tanong ng nurse. “Na-injured siya habang tinuturuan si Johnson–” Hindi pa man natatapos sa pagsasalita itong si Ulysses, sumingit na kaagad siya. “Please po, tulungan mo po siya. Baka sisihin ko ang sarili ko kapag namatay siya.” Umawang ang labi ng nurse saka mabilis na pinulsuhan si Archer sa kanyang leeg. Kumunot ang noo nito saka pumameywang, kumapa-kapa pa siya nang bahagya hanggang sa. . . “Naku, hindi maganda ‘to,” iiling-iling na anang nurse. “P-po?” kabadong tanong nilang tatlo. “Medyo napuruhan siya, bukas pa ito magigising,” sagot nito. “Mas maigi pang ilibot n’yo na lang muna si Prinsipe Johnson sa palasyo habang nagpapagaling si Archer.” “Mas mabuti pa nga ho yata,” pagsang-ayon ni Brenda. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon, nagmamadali na silang lumabas ng medical room. Nasa mismong battle arena pa rin sila. May mga kwarto-kwarto kasi rito kasama na ang medic kung sakaling may mangyari habang nag-e-ensayo. “Ano na ang gagawin natin?” kakamot-kamot sa ulong tanong ni Johnson. “Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Hindi ako makapaniwala na ganoon mo lang napabagsak si Archer. Siya ang general ng mga sundalo rito sa Infinita.” Nahihiya tuloy si Johnson. “Kung hindi ko sana pinatulan si Archer, edi sana nag-te-training pa rin kami ngayon.” “Mas ayos iyon,” sabat ni Ulysses. “Hindi rin naging maganda ang ipinakitang ugali ni Archer. Mas maiging alam na niyang mas malakas ka kaysa sa inasahan niya.” Marahan siyang tumango. “Ah, gano’n ba?” Hindi na muling sumagot si Ulysses. Dahil doon ay tumuloy na sila sa paglalakad palabas ng battle arena. Tahimik sila sa unang mga minuto ng kanilang paglalakad. Pare-pareho pa ring hindi makapaniwala sa nangyari. Pumasok sila sa elevator, doon ay pinindot ni Brenda ang pang-anim na palapag, sa taas ng kwarto ni Johnson. Umandar na kaagad ang kuryosidad sa kanya. “Anong mayroon sa sixth floor?” mabilis na tanong niya. “Malalaman mo rin mamaya,” sagot ni Brenda. Ngumuso siya at naghintay na hilahin sila pababa ng elevator. Ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto at bumulaga sa kanila ang mga kalalakihan na naglalakad sa isang mahabang pasilyo. Bababa sana si Johnson pero hindi siya hinayaan ni Brenda. “Bakit?” Nilingon niya ito. “Dito ang kwarto ng mga sundalo, kasama na si Archer,” ani Brenda. “Hindi na natin kailangang lumabas at silipin sila. Sa susunod na palapag na tayo.” Sumara ang pinto ng elevator, sunod ay pinindot ni Brenda ang 7th floor. Doon naman ay ang mga babaeng sundalo. Sa 8th floor ay isang pahingahan. Hindi nakakapasok dito ang mga hindi opisyales. Makakapasok dito ang mga katulong ngunit kailangang may parangal sila para makapasok dito. Sa 9th floor ay ang battle arena at ang 10th floor ay. . . isang judging room. Napanganga siya nang makita ang maraming upuan na naroon at sa dulo ay isang stage. May mga gamit doon—pangbitay, palakol at kung ano-ano pa. Pipigilan sana ni Brenda si Johnson para lumabas sa elevator ngunit hindi siya nagpapigil. “Bakit may ganitong palapag?” kunot ang noong tanong ni Johnson. “Halika na, pupunta na tayo sa pang-labing-isang palapag,” aya ni Brenda sa kanya. “Ibig bang sabihin, marami na ang namatay sa palapag na ito habang pinapanuod ng maraming tao?” Nilingon niya si Brenda. Nakatayo lang si Brenda roon habang nasa likod naman si Ulysses. “Oo at dito planong bigyan ng hatol ang ama mong si Lizardo.” Napakurap si Johnson. “Ano? Papatayin siya? Hindi siya ikukulong?” “Oo, dahil parte iyon ng parusa at ng batas dito sa Infinita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD