Kabanata 24:

2143 Words
Kabanata 24: Ilang oras ding walang malay si Johnson. Wala pa nga sanang makakapansin sa kanya kung hindi lang napansin ng isang magsasaka ang unti-unting pamumunga ng mga tanim. Hindi makapaniwala ang binatang magsasaka sa kanyang nasasaksihan. Ang sunog na taniman ay unti-unting nabuhay, kitang-kita ng kanyang mga mata kung paano ito nagliwanag. Nakanganga lang siya habang umuusbong ang mga pananim hanggang sa tuluyang namukadkad ang mga ito–na mas hitik pa sa bunga at mas marami pang aanihin. Hindi niya napansin si Johnson, nagmamadali siyang tumakbo–dumiretso sa palasyo. Hindi pa nga sana siya papapasukin ng gwardya. “Ano ang iyong sadya?” tanong ng isang guwardya na nasa kaliwa. Hinarangan siya nito gamit ang espadang mahabang kahoy ang hawakan. “M-may. . . m-may h-himala!” halos uutal-utal pang aniya. Nagkatinginan ang dalawang kawal. “Samahan mo itong binata at tingnan mo kung ano ang sinasabi niya,” anang guwardyang nasa kaliwa. “Ikaw na! Ikaw nakaisip bakit ‘di ikaw ang gumawa?” nakabusangot na sagot ng isang guwardya. Sumama ang tingin ng guwardya sa kasamahan niya. “Napakatamad mo talaga, bahala ka!” Imbes na makipagtalo pa ang guwardyang nasa kaliwa, sinamahan niya na lang ang binata. Sinamahan siya ng binata sa kung saan niya nakita ang isang himala. Ilang lakad lang naman iyon mula sa pinto ng palasyo–kaya nakarating din sila kaagad. Maging ang guwardya ay hindi makapaniwala nang makita ang magandang tubo ng mga halaman. Sa loob ng dalawampung taon, hindi na nila nakitang ganito kahitik ang bunga ng mga pananim. “Bumalik tayo sa loob, kailangan natin itong ipaalam sa haring Rajan.” Sinamahan nga ng guwardya ang binata pabalik sa palasyo. Nagtanong pa ang isang guwardya kung ano ang nakita nila ngunit ang sagot lang ni kaliwang guwardya ay, “Maghintay ka, tamad ka ‘di ba?” Walang nagawa ang guwardya kundi ang maghintay sa magiging balita. Pagpasok nila sa palasyo, naroon ang mayordoma ng palasyo. Isang matandang may kulay pink at maiksing buhok. “Anong mayro’n?” takang tanong ng matandang mayordoma. “Kailangan makita ng hari ang nangyari sa taniman,” anang guwardya. “Nakita na niya kanina–” “Hindi, namunga muli ang mga halaman!” Tumaas ang kilay ng mayordoma. “Weh?” At dahil nga hindi naniwala sa kanila ang mayordoma, lumabas sila at muling tiningnan ang pananim. Ganoon din ang nakita ng mayordoma. At sa kanilang pagbalik, nagtanong ulit ang guwardyang naiwan sa pinto, pero hindi na siya pinansin. Kumalat ang balita sa palasyo hanggang sa makarating na nang tuluyan sa hari. Kasama ng hari ang binata pabalik sa taniman, pati na rin ang mayordoma at ang guwardya–s’yempre kasama ang mga usisero. Pagdating nila roon, ganoon din ang naging reaksyon ng hari. Namangha siya sa nakita, hindi siya makapaniwala. Naging emotional siya nang makita kung gaano kaganda ang mga tanim. Malawak ang pinsala na dulot ng mga mangkukulam, kaya napaka-imposibleng buong taniman na umabot hanggang sa likod ng palasyo ay nabuhay muli. Naglakad-lakad sila patungo sa taniman ng mais. Nang makalapit ang hari ay pumitas siya ng isa. Titikman niya sana ngunit pinigilan siya ng kanyang taga-tikim–na s’yempre nakiusyoso rin. “Baka may lason ho,” anito. Excited na sana ang hari na tikman ang mais dahil mukha itong matamis. Pero kailangan niyang sumunod sa protocol. Hinayaan niya na munang tikman ng taga-tikim ang isang butil ng mais. Nakatunganga ang lahat sa kanya habang naghihintay ng resulta. Ilang saglit pa ay napahawak ang taga-tikim sa kanyang leeg kasunod ng kanyang pamumula. “Ahck! Ahck!” Halatang nahihirapan ito. Napasinghap ang lahat sa naging reaksyon ng taga-tikim. Hindi nila inaasahan na magiging ganito ang resulta. Nataranta ang mga manggagamot, nagsitakbuhan ang mga ito sa taga-tikim at tiningnan kung ano ang nangyayari sa kanya. Niyakap ng manggagamot ang taga-tikim mula sa likuran, kinapitan ang tiyan saka iyon inipit. Ilang beses lang nitong inipit ang tiyan ay tumalsik ang butil ng mais. Napahiyaw ang mga tao! “Nabulunan lang ho siya,” anang manggagamot. Napapailing na hinablot ng hari ang mais. Saka siya naman ang tumikim doon. Doon ay nalasahan niya ang tamis na halos dalawang dekada na niyang hindi natitikman. Tila may mga anghel na kumakanta habang nginunguya niya ang mais sa kanyang bibig. “Kumusta, mahal na hari?” kuryosong tanong ng mayordoma. Nilingon naman siya ng hari kasunod ng isang malapad na ngiti. “Isa itong malaking himala!” bulalas ng hari. Naghiyawan ang mga tao, nagtatalunan pa sila sa sobrang kaligayahan. Kung kanina ay naghihinagpis sila sa nangyaring sakuna, ngayon naman ay nagsasaya sila sa magandang biyayang ito. “Kung gano’n, sino ang may gawa nito?” Napahinto ang lahat sa biglang tanong ng hari. “A-anong meron?” Napalingon sila sa ‘di kalayuan nang bumangon mula roon si Johnson. Puno ng putik ang kanyang katawan, at pasuray-suray siya kung maglakad habang hawak pa ang kanyang ulo. Biglang nagbago ang masayang timpla ng hari, nakaramdam ito ng galit sa kanyang apo na nagawa pa yatang uminom ng alak sa kabila ng krisis na kanilang kinaharap. “Johnson–” Hindi na natuloy ng hari ang sasabihin niya nang lumingon ito sa taniman. Nanlaki ang mga mata ni Johnson kasunod ng pagkusot niya ng mga mata para makasigurong tama nga ang kanyang nakikita. “Akala ko panaginip lang!” bulalas ni Johnson. “Totoo pa lang nagbunga ulit sila!” “Anong ibig mong sabihin? Nakita mo kung sino ang may gawa nito?” takang tanong ng binatang nakatuklas sa pamumukad ng mga pananim. Umiling si Johnson. “Hindi e, wala akong nakita. Basta ang huling naaalala ko lang bago ako nawalan ng malay, wala na talagang natirang pananim. Tapos tiningnan ko iyong lupa at hinawakan ko. Pero lumiwanag iyon nang hawakan ko. Sa pangalawang beses kong hinawakan, sumakit na ang ulo ko.” Napakamot sa ulo si Johnson. “Grabe yata ‘yong liwanag kaya ako nahilo at hinimatay. Para akong hinihigop ng kamatayan e. Tapos bago ako nawalan ng malay, nakita ko na namukadkad ang mga tanim.” “Ikaw ang may gawa, Prinsipe Johnson!” bulalas ng mayordoma. Kumunot ang noo ni Johnson. “Paanong ako? Wala naman akong super powers?” takang tanong niya. “Imposibleng magawa niya iyan nang ganoon lang,” anang hari. “Hindi pa tuluyang bumabalik ang kapangyarihan niya, hindi ko pa naibabalik.” “Sandali lang ho.” Lahat sila ay napalingon sa kadarating lang na si Brenda. Halatang galing ito sa kung saan dahil may dahon pa sa kanyang buhok. “Mahal na haring Rajan, bakit mo pinagdududahan ang kakayahang mayroon ang iyong apo? Sa natatandaan ko, sa libro ng kasaysayan ng Infinita, si haring Solomon ay may kakayahang gamutin ang mga bagay na buhay. Hindi ba, siya ho ang Lolo n’yo sa tuhod?” tanong ni Brenda. Natahimik ang Hari, tila napaisip. Ilang saglit pa ay luminga siya sa paligid saka tiningnan si Johnson. “Bumalik ka sa iyong silid. Maligo ka rin at magpalit ng damit. Kailangan kong malaman kung sa iyo nga nagmula ang kapangyarihan.” Kahit nag-aalangan, sumunod rin naman siya sa hari. Sinamahan siya ni Ulysses pabalik sa loob ng palasyo. Habang naiwan naman ang Hari pati na rin ang mga tao roon. Duda si Brenda, umpisa pa lang ay hindi na sang-ayon ang Hari na pabalikin ang kanyang apo sa mundo ng Infinita. Kung hindi lang nagpasya ang mga opisyal na hanapin si Johnson, hindi sana ito papayag. Isang matandang manghuhula ang nagsabi na ang apo ni Haring Rajan ang magliligtas sa Infinita, at dahil sabik na sa kapayapaan ay nagpasya ang opisyal na hanapin si Johnson. Nang makabalik ang Hari sa kanyang trono, sumunod si Brenda. Plano niya itong kausapin bago pa man nito kausapin si Johnson. “Ano pa ang iyong ginagawa rito, Prinsesa Brenda? Maaari ka nang bumalik sa iyong silid,” anang Hari. Umiling si Brenda habang nakatingin nang diretso sa mga mata ng Hari. Sa mundong ito, hindi kagaya sa lupa na hindi mo pwedeng tingnan sa mga mata ang Hari, dito ay pwede. Kabastusan ang hindi titingin sa mga mata ng Hari kung kakausapin siya. Kailangang makita ng Hari kung nagsasabi ba ng totoo o hindi. “Hindi ka ho sang-ayon sa apo mong si Johnson, hindi po ba?” diretsong tanong ni Brenda. Napaiwas ng tingin ang Hari. “Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.” “Bakit po? Bakit ayaw mo sa kanya?” “Dahil alam ko kung saan siya nagmula. Kung hindi siya kagaya ng kanyang amang si Lizardo, maaaring gaya siya ng kanyang inang mahina ang puso,” walang pag-aalinlangang sagot ng Hari. “Paano kung hindi siya ganoong klaseng diwata?” “Paano kung hindi lang siya diwata?” balik-tanong ng Hari. Ngumiti si Brenda saka yumuko. “Lola ko po si Lola Freeda, at alam kong nagsasabi siya ng totoo. Nararamdaman ko ring kaya tayong iligtas ni Johnson. Patutunayan ko ho ‘yan sa inyo.” Tuluyan nang umalis si Brenda sa harap ng Hari. Masama ang loob niya na sarili pa mismong Lolo ni Johnson ang may ayaw sa kanya. Sa kahariang ito, ang mga opisyal at si Brenda lamang ang naniniwala kay Johnson. Walang gustong maniwala sa kanya dahil ano nga naman ang laban ng isang diwatang ipinatapon sa lupa nang dahil sa isiping makasasama ito sa mundo ng Infinita? Paano nga ba sasabihin ni Brenda kay Johnson na ang mismong Lolo niya ang nagpatapon sa kanya sa labas ng Infinita dahil sa iniisip nitong sisirain ni Johnson ang kanilang mundo. Na gagamitin ni Lizardo si Johnson sa masama. Anang Lola Freeda ni Brenda, noong nagkasundo ang ina ni Johnson na si Prinsesa Lorena at ang ama nitong si Lizardo, unti-unti nang gumanda ang pamumuhay ng mundo ng Infinita. Nang mamatay si Lorena at isinilang ang sanggol nila’y tahimik. Ngunit nang ipatapon si Johnson sa labas ng mundong ito ay saka lang naging magulo. Nagalit si Lizardo at naghasik ng lagim. Dagdag pa nito, may trust issue talaga ang Hari. Lahat na lang ay pinagdududahan ultimo sanggol na si Johnson. Nangaliwa kasi ang unang babaeng minahal ng Hari. SA GUBAT KUNG saan nakatira ang mga itim na witches, abala si Lizardo suot ang kulay itim niyang kapa at witch hat sa pag-aaral ng bagong mahika nang marahas na bumukas ang pinto. Isa sa kanyang mga alagad ang pumasok. Malaki ang pangangatawan at mukha itong bakulaw, nakasuot din ng kapa, mahaba ang kulay mais nitong buhok habang hawak ang walis tingting na kanyang sasakyan. “Kamahalan!” bulalas nito. Nilingon siya ni Lizardo—taliwas sa itsura ng karaniwang witch, gwapo si Lizardo kahit na matanda na. Saan pa ba magmamana si Johnson? S'yempre sa ama nitong gwapo at makisig, mangkukulam nga lang! “Ano? Nagawa mo na ba ang utos ko sa iyo?” direktang tanong niya. “Opo! Ngunit ngayon lang ay may ibinalita sa akin ang mga batang witch. Nakita nilang imbes na nasunog ang mga pananim, naging hitik ang mga bunga nito!” anang mukhang bakulaw na witch. Kumunot ang noo ni Lizardo, halatang nagalit. “Tanga ka! Mali yata ang nakuha mong potion!” Mabilis na umiling ito. “Hindi po! Sigurado ako sa nakuha ko, kitang-kita ko kung paano nasunog ang mga pananim at nasugatan din ang tumulong sa kanilang dragon. Ang bali-balita, isang prinsepe ang may gawa.” “Prinsipe?” “Oho!” “Sinong Prinsipe? Wala naman na silang Prinsipeng kayang gawin ang bagay na iyon.” “Iyan ho ang hindi ko alam.” Napaisip bigla si Lizardo. Alam niya ang ang tungkol sa mga diwata dahil pinamamanmanan niya ang mga ito. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumusuko. Alam niyang balang-araw ay malalaman niya rin ang lahat. “Sige, makakaalis ka na,” pagpapaalis niya sa mukhang bakulaw niyang utusan. Inilapag ni Lizardo ang hawak niyang libro ng mga orasyon at mahika sa lamesang kahoy saka siya naupo. Sa ilalim ng lamesa ay ang kabinet kung saan nakalagay ang mga importante niyang gamit. Mula sa bulsa ng suot niya ay kinuha niya ang kulay gintong susi. Binuksan niya ang kabinet gamit ang susing iyon saka tumambad sa kanya ang mahahalaga niyang gamit. . . isa na roon ang isang maliit na sapatos. Ito ang sapatos na sana’y ipasusuot niya sa kanyang anak sa oras na ito ay isilang. . . ngunit hindi iyon nangyari dahil sa Hari ng mga diwatang si Rajan. Bumuntonghininga siya saka kinalkal ang iba niya pang mga gamit. Isang kahon na kulay asul ang kanyang inilabas. Binuksan niya ang takip, ang laman ay isang iginuhit na litrato—si Lorena. Ang babaeng una at alam niyang huli na niyang mamahalin. Si Lorena ay nag-iisa, walang katulad. Wala nang iba pang babae ang kayang magpatibok ng puso niya gaya ng kay Lorena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD