Kabanata 35: Hindi kaagad nakapagsalita si Brenda nang magtanong ang Hari. Tinubuan siya ng kaba. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung ang Hari na mismo ang nag-i-interogate sa ‘yo? Pero kahit na ganoon, medyo nakahinga nang maluwag si Brenda. Hindi inabot ng ilang araw na hindi alam ng Hari ang tungkol sa pagkawala ni Johnson, ibig sabihin lamang ay kahit papaano, may pakialam ito sa kanyang apo. Humugot siya ng malalim na hininga pagkatapos ay lakas-loob na sumagot. “Nawawala po ang Prinsipe.” Over acting na nagsinghapan ang mga alalay na nasa likuran ng Hari habang ang Hari naman ay mababakas ang pagkagulat at dismaya. Umigting ang panga nito at ikinuyom ang kanyang mga kamao. “Paano siya nawala? Akala ko ba’y binabantayan ninyo ang Prinsipe?” Nilingonni Brenda si Archer, nagpapa