Chapter Twenty-three "Tiyak na nabibigla si Cecilia sa lahat ng mga nangyayari," sa labis na pag-iyak at umaapaw na emosyon ay nawalan ako ng malay kanina. "Kailangan natin siyang dahan-dahanin dahil tiyak na mahirap ito sa kanya," boses ng ginang ang dahilan kung bakit ako nagising. Nanatili akong nakapikit. "Ito naman kasing panganay mo... hindi marunong mamili ng babae. Mag-uuwi na nga lang ng babae ay iyon pang walang alam sa klase ng buhay na mayroon tayo," galit pero mahinang anas ng matandang Lucchetti. "Dad, stop it. Tiyak namang may dahilan si Saint kung bakit si Cecilia ang pinili niyang pakasalan," dinig kong ani ni Sage. "Dahilan? Sige nga! Anong magandang dahilan ni Saint para piliin niya ang mababang uri na iyan," grabe sa mababang uri. Sila nga'y mas masahol pa sa bas

