Tanghali na katatapos lang din namin kumain nang mag-aya si lemuel na lumabas sa bahay pero hindi naman lalabas ng kalsada dahil nanduon kasi si liam sa labas ng bahay na naglilinis ng kanyang sasakyan.
"Oh bakit nandito kayo?"
Tanong ni liam nang makita niya kami.
"Heto kasi si lemuel eh nag-aya pumunta dito"
Sagot ko na lang sa kanya. Nakita ko na kinuha niya ang dalawang plastic na banko at binigay sa amin. Pero si lemuel ay hindi naupo tumakbo ito sa daddy niya at tumulong para maglinis ng sasakyan.
"Lemuel mababasa ka lang"
Tawag ko sa kanya. Pero hindi ako pinakinggan ng anak ko.
"Hayaan muna paliguan mo na lang mamaya"
Sabi sa akin ni Liam. Kaya hinayaan ko na lang magpunta sa kanya si lemuel. Habang inabala ko naman ang aking sarili sa pagkalilot sa phone ko,
Narinig ko pa ang pagtawag ni lemuel kay Kuya alistair. Kaya Bigla na naman ako nakaramdam nang kaba' Hindi ko inaangat ang tingin ko mula sa phone ko. Nagkunwari ako na lang ako na abala.
"Tito alistair gusto mo po ba sumali naliligo po ako sa Rain"
Narinig ko na sinabi ni Lemuel sa kanya.
"Wala naman Rain ah?"
Sagot naman ni Kuya Alistair.
"Meron tito ayun po oh?"
Narinig ko na sagot ni lemuel sa tito niya kaya napaangat na ang ulo ko at Tinignan ko din ang sinabi nang anak ko.
Nakita ko ang hose na may dumadaloy na tubig na nakaangat sa bandang itaas nang sasakyan ni liam na ginawa nilang shower. Nakita ko din nabasa na ang puting t-shirt ni Liam habang naglilinis nang sasakyan niya. Kaya napatitig naman ako hindi ko madalas makita ang katawan niya dahil lumalabas siya sa banyo namin na nakabihis na palagi.
Kaya ngayon ko lang napagmasdan ang katawan niya.
Hindi ko alam kung matagal ba ako napatitig kay liam habang naglilinis siya ng sasakyan dahil bigla ako nakarinig na tila boses.
"Ehem!! ehem!!"
Biglang napaangat ang ulo ko at napatingin ako sa may-ari ng boses na iyon. Nakita ko ang mata ni kuya alistair na tila galit at may pagtatampo. Kaya bigla ko na inwas ang pagkakatingin sa kanya..
"Tito tara na po!"
Narinig ko pa pangungulit sa kanya ni lemuel.
"Maglilinis din si tito ng sasakyan e' dahil malapit na pumasok si tito sa office"
Narinig ko na sagot niya kay lemuel habang bahagya pa niya na ginulo ang buhok ng anak namin.
Umalis na si lemuel at tuwang-tuwa na tumakbo pabalik kay liam na abala pa din sa paglilinis ng sasakyan.
"Ganyan bang katawan ang nagpahanga sa'yo zella?
Narinig ko na sambit ni kuya alistair kaya napalingon ako sa kanya. Pero bigla din siya umalis at pumunta sa kotse ni daddy na alam ko gagamitin niya pansamantala habang hindi pa siya nakakabili ng sarili niyang sasakyan.
Napasunod ang tingin ko sa kanya. Kinuha niya ang Isang hose na ginagamit sa pandilig ng halaman.
Dahil iyon ang gagamitin niya para sa paglinis sa sasakyan.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko kay kuya alistair. Nakita ko na naghubad na siya nang kanyang t-shirt at nag-umpisa na din maghugas ng sasakyan.
Pero bigla ko din inalis ang tingin ko sa kanya dahil narinig ko na umiiyak si lemuel habang papalapit sila sa akin ni liam.
"Bakit anong nangyari?
Pag-aalala na tanong ko.
"Mommy Gusto ko po maligo sa rain"
"Wala naman rain anak e"
Sagot ko sa kanya. Pero bago siya sumagot sa akin tumakbo na siya kay Kuya Alistair na abala sa kanyang ginagawa,
"Lemuel!!"
Pasigaw na tawag ko sa anak ko.
"Hayaan muna. Magbibihis lang ako zella may importante kasi na kameeting ako ngayon. patulugin muna lang ng maaga si lemuel huwag na kamo ako hintayin"
Sabi sa akin ni liam at agad din siya pumasok sa loob. Muli ako napatingin kay kuya alistair at lemuel na parehas na abala na sa kanilang ginagawa. Si lemuel na tinutulungan kunwari si alistair sa paglilinis ng sasakyan.
Saglit lang muling lumabas si Liam na nagmamadali. Tumayo ako para ihatid siya sa sasakyan niya. ako na din ang nagbukas ng gate at muling nagsara.
Muli ako bumalik sa aking pagkakaupo,
Muli ko ulit tinignan si kuya alistair at lemuel na parehas nang naliligo sa hose na ginawa nilang shower. Napaiiling na lang ako at muli ko binalikang aking atensyon sa phone ko.
"Mommy sali ka po sa amin ni tito"
Nagulat ako sa biglang paglapit at paghila sa akin ni lemuel.
"No baby boy' hindi pa maliligo si mommy! at ikaw stop na!" pumasok na tayo sa loob"
Sagot ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinakinggan tumakbo siyang muli kay Kuya Alistair. Pero labis ako nagulat sa sumunod na ginawa nang anak ko.
Dahil yung hose na kanina ay kunwari na shower nila ay sa akin naman tinutok ng anak ko. Kaya bigla ako napatayo.
"Lemuel don't do that!!"
Pasigaw ko na utos sa anak ko' Pero nagulat ako sa pabigla naman niya na iyak. Kaya patakbo ako na lumapit sa kanya.
"I'm sorry baby boy"
Sambit ko sa anak ko' Sabay yakap ko sa katawan niya na basa.
"I'm sorry po mommy!"
Umiiyak na sagot niya sa akin. Kaya nahabag naman ako bigla.
"Tahan na lemuel tutulungan tayo ni mommy maglinis nang kotse at maliligo din siya sa rain"
Narinig ko na sinabi ni kuya alistair sa anak ko. Na siya naman kinhinto din bigla nang iyak ni lemuel.
"Yeheyy let's go mommy!"
Tuwang-tuwa habang nagtatalon pa si lemuel na hawak na ako sa kamay kaya wala na ako nagawa.
Sa nakikita ko ngayon tila isa kaming masayang pamilya na naliligo sa ulan kunwari habang naglilinis nang sasakyan.
Madalas ako mapatingin kay lemuel na tuwang-tuwa na naliligo sa hose habang hawak ni kuya alistair.
Habang abala naman ako sa pagpupunas ng sasakyan nagulat pa ako sa lamig na tubig na tumama sa katawan ko dahil sa akin namin itinutok ni Kuya Alistair ang hose na may dumadaloy na tubig.
"Kuya alistair ano ba yan.."
Napansin ko na rin ang dahan-dahan na paglapit niya sa akin habang hindi inaalis pa din ang hose na nakatapat sa akin.
Paglapit niya sa akin itinaas pa niya ang hose na hawak niya at dalawa na kaming naliligo sa hose na may dumadaloy na tubig mula sa pagkakahawak niya paitaas.