KABANATA 27 Problem Lahat ng kanyang kaklase ay excited ng malaman ang resulta ng kanilang exam sa subject na English kay Ms. Virren last semester na nila ito kaya kailangan nilang makapasa at gragraduate narin sila ng Senior High School. "Okay class, Ibibigay ko na ang papel niyo upang malaman ninyo ang resulta ng exam niyo at kahit last semester niyo na ito ay may hindi parin nakapasa kaya ihanda niyo na ang sarili ninyo kung ano ang gagawin ninyo." striktong sabi ni Ms. Virren Ang iba ay nanlumo sa narinig nila kay Ms. Virren at ang iba naman ay masaya dahil siguradong sigurado na sila na nakapasa sila. Tahimik lamang siyang nakaupo hindi niya alam kung isa ba siya sa mga nakapasa dahil wala siya sa kanyang sarili habang sinasagutan ang exam. Laman ng kanyang isip ay si Zak lamang