KABANATA 30 Baguio Nang masiguro niyang tulog na ang dalaga ay tumayo siya at tinawagan ang kanyang ina. "Hello Ma.." "Oh.. Anak napatawag ka? May problema ba?" nag-aalala nitong tanong. "Wala naman ma.." "Bakit napatawag ka?" "Ma, bakit hindi niyo ako tinawagan na umuwi pala kayo dito? Sana na isundo man lang kita." "Alam kong busy ka. Wala ka nga sa mansyon dahil alam kong busy ka diyan sa trabaho mo na yan.." napabuntong hininga siya. Totoo naman yung sinabi nito hindi niya rin masusundo ang kanyang ina kung tumawag itong nasa pilipinas. "Okay ma, pero sa susunod tumawag po kayo sa akin." "Okay Anak." "Wait.. Ma anong sinabi niyo kay Daine?" naramdamam niyang natigilan ang kanyang ina. "I'm sorry anak gusto ko lang makita yung reaksiyon niya kung masasaktan ba siya kapag si