KABANATA 21 Possessive Malungkot na pumasok siya sa skwelahan dahil hindi niya na naman makikita si Zak ng isang linggo. "Huy! Daine! Bakit ang lungkot mo?"salubong sa kanya ni Louise. "Ah.. Wala." "Daine alam kung may problema ka hindi mo man lang sinasabi sa akin, hindi ko nga alam kung may lovelife ka na ba?" nagtatampong sabi ni Louise. "Louise hindi pa talaga ako handa na sabihin sayo yung problema ko, may tiwala naman ako sayo pero--" "Naiintindihan kita Daine, kapag handa ka na ay sabihin mo sakin ha? Nandito lang ako." nakangiting sabi nito kaya napangiti siya. Nagpapasalamat siya ng may nakilala siyang ganitong kaibigan na dadamayan ka sa mga problema mo. "Oo Louise Promise sasabihin ko sayo kapag handa na ako." sabi niya kaya napatango ito. Dali-dali siyang lumabas pagk