KABANATA 19 Doubt Nasa Balkonahe siya habang may iniisip na gumugulo sa kanyang isipan, hindi niya pa pala kilala ng lubusan si Zak hindi nga niya alam ang buong pangalan nito, ang alam niya lang ay Zaken, hindi nga niya alam kung ano ang trabaho nito at ang personal ni zak katulad ng saan ito pinanganak at kailan ang kaarawan nito. Naputol ang kanyang pag-iisip nang may yumakap sa kanya at nakilala niya agad ito dahil sa pabango. "Why are you here? Babe." "Wala nagpapahangin lang." "Hmm.. Anong gusto mong gawin natin ngayon, bukas pa tayo uuwi." malambing nitong sabi, nakikiliti siya dahil tumatama ang hininga nito sa leeg niya. "Hmm.. Ikaw bahala, gusto ko kasi ay dito lang sa rest house." "Hmm.. Good answer babe." sabi nito habang hinahalikan ang leeg niya. "Anong good answer?"