Epilogue Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari na yung mga imposibleng pinapangarap ko noon. Kasalukuyan kaming nandito sa bagong bahay na ipinatayo ni Zak bago kami ikinasal. Ilang buwan na rin ang lumipas nang magpakasal kami at marami ang dumalo sa kasal namin. Kahapon palang kami dumating dito galing sa trip namin sa Europe na ibinigay ng mama ni Zak sa amin, Hindi ko rin naisipan na magtagal kami doon dahil ngayong buwan ako manganganak sabi ng OB ko at gusto kong dito sa pilipinas manganak. "Babe, what are you doing?" Napatingin ako sa likod ko nang makita si Zak. Nakakunot noo ito at Hindi maipinta ang mukha pero bakas pa rin dito ang paglalambing sa boses nito. "Hmm.. Ito nagpapahangin, bakit?" Nakangiti kong sabi. Nandito ako ngayon sa balkonahe ng kwarto namin, nasisiguro