KABANATA 14 Hurt Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganito nalang ako kasaya at nagagalak. Excited na akong umuwi dahil ngayong araw ang lakad namin, sabi niya kasi sa akin kagabi na lalabas kami ngayon at doon na rin kami kakain. Okay lang naman sa akin pero ang inaalala ko ay ano ang sasabihin ng mga tao at ang aking ina kapag nakita nila kaming magkasama. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng mapansin kong nagmamadali si ate mila na ibaba ang isang maleta, sino ang aalis? Kinabahan ako bigla. "Ate mila, kanino po yan, sino po ang aalis?" tanong ko sa kanya kahit na may alam na ako kung sino pero hindi rin ako sigurado kung siya nga yun. "Si señorito, nauna na siyang umalis dahil pumunta muna siya sa kompanya nila at may aayusin yata tapos pupunta na siya kaagad sa airport para pum