CHAPTER 51

2785 Words

*** KRISTA ***   Nuncang palayasin ni Krista ang kasambahay na nabungaran niya nang siya’y gumising. Kilala niya ito sapagkat ilang beses na silang nagkita nito sa pamamahay nina Zach noong mga panahong hinahayaan pa siya ng pamilya nitong makapasok sa mansiyon ng mga Fuentebella.   Pinigilan niya ang sariling singhalan ito upang hindi mabulilyaso ang kanyang mga plano. Balak niya kasing ipakita sa lahat na nagbago na siya upang unti-unting mapalapit ang loob ng pamilya ni Zach sa kan’ya lalo na ang lalaking kanyang target.   “Hi! Ano nga ulit ang pangalan mo?” pinilit niyang gawing mababa at kaswal ang tono ng kanyang pakikipag-usap sa babaeng sa tantiya niyang nasa limang pulgada ang taas. Hindi ito nakasuot ng uniporme, sa halip ay nakasuot lamang ito ng simpleng printed t-shirt

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD