CHAPTER 39

1612 Words

Maingay na ang paligid sa aking pagbaba. Marami na rin ang dumating na mga bisita at kumpleto na rin ang mga kakailanganing kagamitan. Nilingon ko ang mini-stage, naroon na ang mga kagamitan ng banda subalit hindi ko nasilayan roon ang mga kaibigan ko. Naglibot muna ako para siguraduhing handa na talaga ang lahat at walang nakaligtaan.  Una kong pinuntahan ang dirty kitchen, busy ang lahat na naroon lalo na ang mga cook. Kasama nila ang pinsan kong manager ng mga ito. “’Insan, kumusta na ang paghahanda?” pukaw ko sa kanya’ sapagkat naging abala siya sa pagtikim ng mga putahe. Agad siyang lumingon sa akin pagkarinig niya sa aking pagtawag at ipinahid ang mga kamay sa suot niyang apron. “Narito ka pala, 'insan. Naihanda na pala namin ang para sa unang delivery. Sa palagay ko’y hindi naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD