**** Cian's Pov *** Parang mga bata kaming nagtatatalon at nagyayakapan nina Seph at Mae. Nag-iba na ang anyo ni Seph ngayon, mas matured na siyang tingnan at lalaking-lalaki na rin ang dating dahil sa paglapad ng kanyang katawan at tumaba na rin nang kaunti. Nadagdagan na ang kanyang tangkad at dumami na ang bigote sa mukha habang ang kanyang balat ay mas lalo na ring pumuti. “Hoy! Pambihira ka bakit ngayon ka lang nagpakita?” Ang laki ng ngisi ko nang makita siya dahil sa labis na tuwa. Ilang taon din mula nang naputol ang aming komunikasyon sa isa’t isa gaya ng iba ko pang mga kaibigan. “Anong ngayon lang nagpakita? Por yor impormesyon, inday, yearly kaya akong umuuwi rito samantalang ikaw itong tila kinalimutan na ang lugar kung saan ka iniluwal ng ina mo. Daig mo pa nga ang naengk