Napataas ang kilay ko sa naka-intrigang tanong ni Miles. Bigla akong kinabahan sa pwedeng isagot ni Vin kaya wala sa oras na kinuha ko ang isang bottle ng beer at tahimik na tinungga iyon. Pagtaas ko ng tingin ay malinaw sa aking mata ang makahulugang pagngisi ni Miles sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi at pinandilatan siya. Alam kasi naming pareho ang magiging sagot ni Vin, ewan ko lang sa ibang kasamahan pa namin na naghhihintay sa kanyang isasagot. “Wala bang mas mainit pa na tanong diyan?” saad ni Vin na mahinang tumawa matapos nitong lumunok nang malalim. Halata ang bahagyang pag-iba ng mukha niya lalo na ang pag-ulap ng mga mata. Parang may tila karayom na tumusok sa aking dibdib. "Huwag ka ngang choosy! Pasalamat ka nga ang dali-dali lang ng tanong ko sa 'yo, eh," inis na samb