*** Zach *** Pagtalikod ni Cian ay agad na nasuntok ni Zach ang pader. Naiinis siya sa sarili kung bakit kailangan pa niya itong pahirapan kahit alam na niya ang totoo. Kung alam lang sana nito kung gaano siya kasaya at nanabik nang malamang magkakaanak na sila ni Cian pagkatapos sabihin ng kanyang imbestigador ang resulta ngunit kailangan muna niyang magtiis hangga’t hindi pa nakikita ang resulta ng DNA test ng anak ni Krista. Yes, he had also investigated Krista at gaya ng sinabi ni Cian kanina ay iyon din ang kanyang napag-alaman. Since wala pa naman siyang sapat na ibidensya ay wala siyang choice kun’di ang hintayin na makapanganak ito ngayong buwan bilang patunay na hindi ito pitong buwan na buntis kun’di saktong siyam and that serves the truth na hindi niya anak ang batang