Gaya ng kanyang inaasahan ay gulat ang mga nakasaksi sa kanyang pagdating. Hindi marahil inaasahan ng mga ito ang kanyang pagsunod lalo pa’t katatapos lang ng fiesta kahapon na sa isip ng mga ito ay ang rason sa kanyang pag-uwi. Siyempre, pahuhuli ba siya gayung nabatid niyang naisahan siya nina Zach at Cian sa pagkakataong ito? No! A big big no! Kung naging masaya man sila sa mga araw na wala siya ay hindi na ulit mangyayari iyon sapagkat sisiguruhin niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Sa pagkakataong ito ay gagawin na niya ang lahat para bawiin na si Zach at iuwi sa nararapat nitong uuwian at iyon ay walang iba kundi sa tahanan niya. “Oh, Krista! Bakit nahuli ka ng uwi?” saad ng Lola Patring niyang mahinang naglakad papalapit sa kan’ya. Taglay sa kanang kamay nito ang tungkod na