Since we don’t have anything to do, the boys have decided to go fishing. Balak kasi nilang mag-inuman. Kahit na marami ang binili ni Mario na makakain namin ay nagpasya pa rin silang mamingwit ng isda pandagdag. “Come on, you are so boring!” Giit ni Rae, kanina pa niya ako pinipilit na sumama sa kanila. “Mainit, Rae. I’ll just stay here.” Sagot ko naman, kasalukuyan kasi kaming nakaupo sa isang cottege habang inaayos nila ang mga fishing rod nila. “I’ll also stay here, nakakasunog kasi ng balat ang init ng araw. Mabilis pa naman ako umitim.” Saad ni Sugar. “Dito na lang kami, doon na kayo, huwag kang makulit!” Saad naman ni Inday, sumimangot si Rae at pinaikot niya ang mga mata niya sa amin kaya sabay sabay kaming natawa. “Ewan ko sa inyo.” Sagot na lang niya. “Where’s my fishing rod