Nang matapos na kami ni Jag ay nagpasya kami ng sa lobby na lang maghintay. We stayed and sat on the huge sofa while waiting for our friends to arrive for about thirty minutes. Nang dumating na sila ay hindi naman kami nag-aksaya pa ng oras para humanap ng restaurant na makakainan. Sa mahigit isang linggong pananatili naming dito ay marami na kaming napuntahan at nasubukan, kasa sa huli ay napagkasunduan naming lahat na bumalik sa Athena’s para kumain ng Filipino foods. “You must try their foods, bunso. Magugustuhan niyo doon sigurado.” Saad ni Dmitri habang nasa sasakyan na niya kami. Hindi na ako makasunod sa mga pinag-uusapan nila dahil inaantok ako. Agad naman akong sumandal sa balikat ni Jag at tumingala para ngumiti sa kanya, sinuklian naman niya ang ngiting iyon at marahan niya a