Kagaya ng napag-usapan ay nagbabad kami sa tubig dagat nina Inday at Luigi habang iyong tatlo naman ay namimingwit ng mga isda sa lawa na iihawin nila mamaya. Isang short shorts at puting tee shirt ang suot ko, it was actually Jag’s shirt, and he was also the one who ask me to wear this. Inday is actually wearing two piece but it’s not that daring, bagay naman sa kanya kasi maganda siya at may magandang katawan din. Si Luigi naman ay nakakulay puting khaki shorts at kulay asul na sando. “You should’ve wore two piece, ate.” Halakhak ni Luigi habang nakakababad kami sa tubig dagat pero nakasandal sa isang bangka para magtago sa silong nito. Mainit ang sikat ng araw, pero maraming tao ang nakababad sa tubig dagat at halatang nag-eenjoy, hindi inaalintana ang init. Marami ang pinoy, at mar