Dalawang beses akong kumatok sa pinto ng kwarto nina Inday at Rae bago koi to marahang itinulak pabukas. Nakita ko si Inday na nakaupo sa harap ng salamin at naglalagay ng lip gloss, napalingon naman siya sa akin at agad na ngumiti. “You ready, Inday?” Tanong ko, marahan siyang tumango at agad na tumayo, tapos ay hinila pa niya ang shoulder bag na dala niya. She’s wearing a floral above the knee length dress. Kulay puti iyon at kulay asul ang disenyong bulaklak kaya mas lalong lumitaw ang pagiging maputi at maganda niya. Ako naman ay naka-kulay itim na hinaluang berdeng dress din. Kagaya ng sinabi ko sa kanya kahapon ay papasyal kami sa mall ngayon. It’s just eight in the morning, and I have decided to go early. Si Jag ay nandito pa rin, ang sabi niya ay siya na ang maghahatid sa amin