Right after that, the boys, including Luigi, have decided to have a little drink as a form of celebration. Hinayaan ko rin na sumama sa kanila si Papa dahil red wine lang naman daw ang iinumin nila ni Tito. Leon, Jag and Luigi have decided to have hard drinks or liquors, though. Ako naman ay kasama si Inday at Tita sa kusina namin para ipaghanda sila ng pwede nilang maging pulutan. “Can I see the ring?” Malawak ang ngiting tanong ni Tita sa akin habang nagluluto si Inday. Inilahad ko naman ang kamay ko para ipakita sa kanya ang singsing na bigay ni Jag. Inday giggled and Tita Salve smiled widely as they saw it. “Ang ganda po, ate.” Kinikilig na saad ni Inday, ngumiti naman ako sa kanya at tumango. “He really has a good taste.” Tita Salve even giggled upon saying that. “Naku madam, ma