Nagkulong naman ako sa kwarto pagkatapos no’n. Para akong tanga. Para akong baliw na napapangiti mag-isa sa tuwing naaalalang tinawag niya akong misis, kahit noong isigaw niya ang mga salitang ‘I love you’. Pero sa huli ay pinipigilan ko ang sarili ko. Masyado kang marupok na gaga ka! Isang I love you lang niya sa ‘yo par aka nang bibigay agad. But I have to admit that I like it this way. Ayoko kasing nakakaramdam ng galit. Gusto ko na palagi siyang ganyan para mabilis na matabunan ang lahat ng sakit na naidulot namin sa isa’t isa. Bigla tuloy akong nagtaka kung bakit nakapasok siya kanina. Nagpa-alam ba siya kay Papa? Sobrang galit sa kanya no’n. Sigurado ako na bago siya makapasok dito ay haharangan na siya ni Papa kahit pa nasa kabilang bahay siya ngayon. O baka naman okay na sila?