It’s around three in the afternoon when I woke up. Mabilis pa akong napaupo sa kama dahil sa gulat nang makita ang oras sa wall clock. Bahagya akong kinabahan kasi may usapan na magkikita kita kaming lahat sa lobby para sa lunch. Marahang natawa si Jag sa naging ekspresyon at reaksiyon ko kaya agad akong napalingon sa kanya. Prente siyang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang nanunuod ng telebisyon. “Jag, bakit hindi mo ako ginising?” Kunot noong tanong ko, nagkibit naman siya ng balikat at ngumiti. “I called them and told them to have lunch without us. I don’t want to wake you up.” Napabuntong hininga na lang ako at marahang tumango. “Sino kasabay natin kakain niyan? Kumain ka na ba?” Umiling siya sa tanong ko. “I’ve ordered something just a few hours ago. Dito na ako sa