Halos dalawang oras na kaming umiinom dito at puro tawanan at masayang kwentuhan na ang naririnig ko. Tinotoo nga nila na maglalasing sila. Unlike the first time that we’ve been here, they were just drinking a little. Nakatig-dalawang bote nga lang sila. But now, I think the boys already finished four bottles each, no wonder they are all acting like they are completely drunk. As usual, nakakalahati ko pa lang ang isang bote. Hindi naman kasi talaga ako malakas uminom. “Cheers!” Sa ikatlong pagkakataon ay sigaw ni Mario at itinaas ulit ang hawal na baso. “Bottoms up!” Dagdag pa niya kaya marahan akong natawa. Tatlong beses na sunod sunod na nilang ginawa iyon, ako na lang ang nauumay para sa kanila dahil sa lasa ng alak. But they seemed to like it so I don’t mind. We’re here to enjoy a