Even after the ceremony, and while the guests were all happily eating, I’m still in shock. Sobra akong gulat sa bilis ng mga pangyayari na halos hindi ako makapagsalita, maliban na lang kung kakausapin nila ako. Paminsan minsan ay napapalingon ako kay Jag na kanina pa hawak ang kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya, malawak ang ngiti niya sa bawat taong lalapit sa amin para i-congratulate kami. “Ah, I think I’m dreaming. Yeah, this is just a dream.” Saad ko at umiling iling pa. Humalakhak naman siya at mas hinigpitan pa ang hawak niya sa kamay ko, tapos ay marahan niya akong hinalikan sa pisngi. “This is a dream come true, Gummybear.” Sagot naman niya. Teka, paano ako maniniwala na kasal na nga kami? Alam ko nakakaasar at paulit ulit na pero hindi talaga ako makapaniwala. “He