When seven in the evening came, Luigi started to prepare. Nasa bahay na rin si Art para hintayin si Luigi. Well, Jag and I planned to drive them to the airport. Habang hinihintay si Luigi na matapos sa pagbibihis ay hindi ko maiwasang hindi malungkot. Kahit si Inday, kahit na nakangiti siya ngayon ay halatang nalulungkot din siya dahil sa pag-alis ng kaibigan niya. “Art, ikaw na ang bahala kay Luigi doon ah? Please promise me that you’ll take good care of him.” Saad ko habang nakaupo kaming lahat sa sala. “Ako ang bahala, Miss. Huwag kang masyadong mag-alala.” Ngiti naman ni Art. Art is more like a family to me. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nasabi pero iyon ang totoo. Kaya tiwala at kampante ako na aalagaan niya si Luigi kagaya ng pag-aalaga niya sa akin noong mga panahong pa