It’s really unfair because I want him to fall for me head over heels, just like I do. Pero pakiramdam ako ay ako lang itong sobrang addict sa kanya. At naiirita ako sa ideyang iyon. “Oo nga po pala, Kuya, nabanggit niyo na po ba kina Nanang na kina Ate ako tumutuloy?” Tanong ni Luigi habang kumakain kami. Marahan namang tumango si Jag. “Nasabi ko sa kanila, pero hindi kay Mario. Nakiusap din ako sa kanila na huwag nang sabihin kay Mario.” Ngumiti si Luigi at tumango. “Tama lang po iyon, ayoko naman po na mas lumala pa ang sitwasyon. Salamat po, Kuya.” Nakangiting saad ni Luigi. He’s been smiling a lot these past few days. Pero ang mga ngiting iyon ay hindi kagaya ng mga ngiti niya noong magkasama pa sila ni Mario, kaya alam ko na kahit sabihin niyang okay na siya, ang totoo ay hindi pa