The next morning, I woke up early even if we kind of slept late. Kung hindi ako nagkakamali ay halos mag-a-alas dos na ng madaling araw nang makatulog kami, at alas siete naman ako ng umaga nagising. I let Mario occupy the room that Luigi used to occupy when he was still here. Akala ko nga ay tulog pa sila pagkagising ko, pero nang imulat ko ang mga mata ko ay wala na si Jag sa tabi ko. Pagkatapos ko namang maghilamos at pagkababa ko ay naabutan ko sina Jag at Mario na nagkakape sa kusina habang si Jag at nagluluto, siguro ay tulog pa si Inday, maging si Papa ay wala pa doon. “Good morning, baby.” Nakangiting bati ni Jag sa akin nang makita niya ako. “Good morning.” Ngiti ko naman sa kanya tapos ay nilingon ko si Mario. “Good morning, Mario.” Tipid lang siyang ngumiti sa akin at maraha