I stared at him for a moment, not knowing what to do. I’m worried about him. I saw him breakdown last night, and his cry now is not as far as what I saw last night. He’s acting tough and strong, he’s even smiling when he’s in front of us. Parang iyong naging ugali ni Luigi noong unang linggo siyang nasa akin, pero umiiyak sila sa tuwing nag-iisa sila. Mayamaya ay nagpasya akong lumapit kay Mario tapos ay lumuhod ako para mayakap ko siya. Halata naman na nagulat siya sa pagdating ko, saglit siyang natigilan pero sa huli ay umiyak lang siya ulit. “Ang sakit po, ate. Ang sakit sakit…” hagulgol niya. “Sorry, Mario. I’m really, really sorry.” Paghingi ko ulit ng tawad, wala akong ibang alam sabihin kung hindi ang ‘sorry’, kasi alam ko na may kasalanan ako, at hindi ko alam kung paano ako m