We all have decided to eat first. Halos alas siete na rin kasi iyon ng gabi at sinabi nilang gutom na sila. Kung sabagay ay kaninang bandang ala una pa ang huling kain namin at hindi kami nakapag-mirienda. Truth is, I’m also hungry especially I slept for four long hours. Kaya naman sumang ayon na ako sa kanila. At isa pa, mahirap na makaramdam ng gutom lalo pa at mukhang marami silang balak na gawin ngayong gabi. “Where are we going to eat?” Tanong ko habang naglalakad na kami palabas ng hotel. “La Part des Anges is a must. It’s just a small restaurant pero masarap ang pagkain. It doesn’t have any touch of Filipino foods, though. It’s pure European foods. Pero kung gusto niyong bumalik sa Athena’s para sa Filipino foods okay lang.” Sagot naman ni Dmitri. “Anything is fine, basta makaka