Halos hindi ako makatulog nang gabing iyon. Kung makakatulog man ay paputol putol kaya pagkagising ko ay masakit ang ulo ko. Pagkamulat ko sa mga mata ko ay nasa tabi ko si Jag na tulog na tulog pa. He’s not wearing anything aside from his pants from last night, and up until now, I can still smell the strong scent of alcohol he drank last night from his body. Nagpasya akong tumayo mula sa kama ko at nagtungo sa banyo para makaligo na. I think it took my almost twenty minutes before I’m finally done with everything. Well, regarding what happened last night, I was really afraid. Akala ko kasi ay matutulog talaga siya sa condo nung babae na silang dalawa lang. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung paanong kasama siyang umuwi ng mga drivers ni Tito Fred. I’m glad that he’s home, safe