G-21 KATATAPOS lang ni Grace na mag-exercise nang biglang bumungad sa kanya si Ising. "Bakit?" agad na salubong niya ring tanong sa kanyang katulong. "May nagpadala ng sulat sa inyo señorita," anito. Agad na kumunot ang kanyang noo. Kinuha niya ang inabot ni Ising na sobre. Pinunasan niya ang muna ang kanyang pawisang katawan at agad din namang binuksan ang envelope niyang hawak. Agad na nagsalubong ang kanyang dalawang kilay. Sumunod na tumikwas ang kanyang kanang kilay habang binabasa ang nakapaloob sa papel. "The heck!?" agad na bulalas niya matapos basahin ang laman ng sulat. "Honeybee," tawag ni Max sa kanya at agad na lumapit upang siya'y hagkan sa kanyang labi. Agad na sumimangot ang kanyang mukha. "What's wrong?" Ibinigay niya ang hawak niyang sobre kay Max. "Nagsi