G-26 MATAPOS ang tagpong iyon kanina ay na-isipan nilang maligo na muna sa dagat upang mabawasan ang stress na dulot ng panggugulo ni Nicole sa bakasyon nilang dalawa ni Max. "Honeybee, do you have a sunblock?" biglang tanong ni Max nang mahilata silang dalawa sa carpet na inilatag niya sa buhangin. Saglit siyang natawa. "Don't tell me, takot ka sa araw?" "Silly, it's not for me. Para sa iyo." Agad siyang napangiti dahil sa pagiging thoughtful nito. "Talaga ba?" "Yes," anito at hinawi ang buhok niyang nililipad ng hangin. "Naalala ko dati, bawal ka magbabad ng husto sa araw dahil takot kang magka-sunburn." Malakas niyang sinapak si Max sa balikat. "Hindi kaya. Nahihiya lang talaga ako na makisabay sa inyo noon." "Why? Si Amanda naman at si Thad ang kasama mo, pati na ako." Napa