G-24 "ISING, ano sa tingin mo ang bagay sa akin?" pagtatanong niya sa katulong na kanina pa kilig na kilig sa kanya. "Hoy!" untag niya dito dahil sa pagkatutulala. "Señorita, talaga bang magbabakasyon kayo?" Kumunot naman agad ang kanyang noo. "Ha? Bakit?" "Kasi po masaya lang po ako. Five years po kayong nagmumukmok dito sa hacienda. Never po kayo nagbaskyon kahit niyayaya kayo nila señorita Amanda. Malaking improvement po iyon na okay na po talaga kayo." Napangiti siya. "You know the reason, Ising." "Yes nama señorita! Kailan po ang kasal?" "Ha?" aniya at kasunod niyon ay ang paghalakhak niya. "Malayo pa iyang iniisip mo Ising. Hindi pa kami umaabot sa ganyang ideya." "Pero malay niyo naman po, 'di ba?" Hindi na lamang siya umimik. Napabaling naman siya sa pinto nang may kum