"TELL me, Nathan Haze. Did something wrong happen to you?" salubong na tanong ni Nathalie sa anak. "Kailangan nating umalis sa lugar na ito ngayon din, Mommy. Kung ang paliwanag ko ang hinihintay mo ay saka na lamang ako magpaliwanag," tugon nitong patuloy sa paglinga. "No, Nathan. Hindi tayo aalis hanggat hindi mo ipinapaliwanag ang dahilan--- Wait! Did you commit a crime against the law? Did those officers caught you already in action?" tanong niya sa boses na punong-puno ng suspetsa. "Mommy, aminado akong may kasalanan ako. At gagawin ko ang bagay na ito o ang pag-alis natin sa bansa kung saan ako nag-aral at nagkaisip. Ngunit hindi upang magtakpan o isalba ang sarili ko mula sa iyo. Tatanggapin ko ang anumang parusang ipapataw mo subalit sa ngayon ay pumayag ka na, Mommy. Ayaw kong