"THANK you, son." Salubong ni Hitler kay Inigo Rafael. Subalit maaring hindi nito nakuha ang ibig niyang sabihin o kung bakit siya nagpapasalamat ay may pagtatakaka itong nagtanong. "Thank you for what, Daddy? Wala naman po akong nagawa upang pasalamatan mo ako," anito. Subalit sinalo siya ng asawa. "Inigo anak, ako na ang magpapaliwanag. Hindi naman siguro lingid sa iyo ang karamihang nangyayari. Sa tulad mong walang kamalay-malay sa naging suliranin at naging dahilan ng pagkamatay ni Alex. Idagdag pa ang anak ninyo. Kaya nga labis-labis ang pasasalamat namin ng Daddy at mga kapatid mo. Why? Dahil hindi mo hinayaang tinalo ka ng pagdadalamhati. Thank you for being strong enough, son. Patunay lamang na isa kang tunay na warrior." Emosyonal man siguro ito ngunit hindi pa rin maipagkai

