"SAAN nakuha ng batang iyon ang tapang niya?" pabulong na saad ni Hitler iyon nga lang ay umabot sa pandinig ng asawang nasa tabi. "Tsk! Tsk! Aba'y kanino pa kundi sa iyo, Mr Lopez. Alangan namang mamumunga ng mangga ang kamatis. Natural, lahat ng mga anak mo ay sa iyo nagmana." Napairap tuloy ito na naging sanhi upang bumaling siya rito. Kaso bago pa siya makasagot ay naunahan siyang muli. "Hayaan mo siyang maging matured habang maaga pa. Subalit ang issue nating dalawa ay hindi maaring mabalewala. Well, tama naman silang lahat kaya't kailangan na rin nating mag-isip-isip. Pero ang masasabi ko ngayon ay bigyan nating pareho ang ating sarili ng espasyo at oras. Kung talagang nakatakdang maghihiwalay tayo ay mangyayari iyan. Ganoon din kung mapanindigan natin ang vows natin noong tayo a

