"HEY, why you are following me? Kanina pa kita napapansing sunod nang sunod sa akin ah." Paninita ni Nathan Haze sa lalaking mukhang naliligaw. Aba'y akalain mo ba namang sa bawat pagliko niya ay naroon ito. Noong una ay hindi niya iyon pinansin. Dahil sa dinami-dami ng mga passers ay maaring isa rin ito. Kaso nang sinubukan niyang iligaw ito ay ganoon pa rin. "Ako ba ang kausap mo, bata?" tanong nito imbes na sagutin ang kaniyang tanong. Aba'h! Mukhang may panibagong sira-ulong napadpad sa bansang pinagmulan. Tsk! Tsk! Kung hindi siya makapagtimpi ay talagang masapak niya ito. "Hindi ang hangin ang kausap ko! Pero oras na sumunod ka pang muli sa akin ay talagang makakatikim ka sa akin!" mariin niyang tugon saka muling nagpatuloy. Kaso talagang wala sa kaniya ang panig ng mundo ah! Gu