"DAD, can we talk now?" salubong na tanong ni Nathaniel sa amang halatang nakainom. Matagal na ring hindi nila ito nakitang uminom o mas tamang sabihing nalasing. Dahil minsan silang mag-aama ang naghaharap iyon nga lang ay sa sariling bar ng mansion. "Hmmm, kung tungkol sa Mommy ninyong walang tiwala sa akin ay huwag na, anak. Sigurado akong inutusan ka niyang gawin ang bagay na iyan. If I were you, son, it's better for you to go back in your residence to take care of your own family." Kibit-balikat nito saka nagpatuloy sa paglakad. "Daddy, wala naman po akong kinakampihan sa inyong dalawa ni Mommy. Dahil parehas kayong mahalaga sa akin, sa aming magkakapatid. At isa pa, kahit hindi ako kinausap ni Mommy ay talagang ako mismo ang kakausap sa iyo. Kaya't please, Daddy." Pakiusap niyang

