KABANATA 17: NAGHANDA na sila Jacob para sa susunod na training. Lumapit siya sa akin matapos na kausapin ang ilang kasamahan na isa din ata sa magtuturo sa mga baguhan. “Gusto ko din magpaturo,” sabi ko habang nakatingin sa isang kasamahan niya na nagsisimula ng magturo. Sinundan niya iyon ng tingin at bumaling din agad sa akin. “Mamaya tuturuan kita.” Tamad akong tumingin sa kanya. “May choice ba akong mamili?” sarkastiko kong tanong. “Wala.” Nakangisi niyang sagot. Umirap na lang ako sa kawalan. “Ang taray taray mo talaga.” Umiling-iling pa ito bago tumabi sa akin para pagmasdan ang mga tauhan niya na nagsimula na sa defensive tactics training. Hindi ako nagsalita. Humalukipkip ako